malamig na impiyerno
January 30, 2009Hindi naman ito kasing seryoso kagaya ng pinapahiwatig ng title ko. Pero ganito ang araw araw na nararanasan ko sa buwiset na opisina ko. Pasensiya na kayo kung punong puno ng emosyon ang post na ito, inis na inis lang talaga ko. Kailangan ko lang ilabas ito, kaysa naman bigla akong magwala dito.
Simple lang naman ang problema ko. Napakalamig ng aircon dito. Araw araw na lang na ginawa ng Diyos, nakikiusap ako na, please, pwede ba, pakihinaan naman ang aircon. Itong aircon na ito ay diretso sa bunbunan ko, at ang mga kamay ko ay parang patay na sa lamig. Abay hindi ko na nga maigalaw kamay ko sa sobrang ginaw sa isinumpang area ko. Paminsan-minsan naman hinihinaan, pero dahil sa higit na katalinuhan ng makina sa mga tao dito, automatic siya na lumalakas ng matindi, oo, matindi.
Nakakapikon na kasi. Pakiramdam ko hindi na makatao ang lamig na ito. Hindi makatao, kasi yung mga pagod na pagod na computers lang ang mahalaga dito. Kailangan malamig para hindi mag-overheat. Haha. Bwiset.
Dati naman kahit sino pwedeng maghina ng aircon dito. Sa napakatalinong pag-iisip ng kumpanya na ito, nilagyan nila ng lock, at kailangan pang hulaan kung kanino ka makikiusap para hinaan ang parusang lamig dito. Pag nahulaan na, maghihintay ka pa ng awa para may makinig sa araw na araw na reklamo mo. Leche naman. Bakit ba hindi na lang nila ipirmis sa makataong temperatura?
Eh pano daw kung padala ko sa Amerika? Nakakatawa. Hintayin niyo post ko tungkol dito. Magrereklamo ba ko dun? Siyempre hindi. Ang lamig dun, o init, Diyos lang ang makakapagpabago. E dito, mga tao. Tao nga ba? Ilang pindot lang tapos na sana problema ko dito at ng mga katabi ko. Hindi na rin ako magkakasakit at baka mabawasan ang sama ng loob ko.
Hindi ko nga alam kung sa aircon lang talaga ko naiinis. Malamang hindi. Naiinis ako sa mga tao na malaki sana ang magagawa para sa ibang tao kumilos lang ng konti. Para kang sumisigaw sa taong nagbibingi-bingihan. Impiyerno dito, malamig nga lang.
Previous Comments
maaring mukhang simple ang hinihingi mo, pero alam ko, alam nating lahat, na hindi ganun kasimple yun. makatong pagtrato lang naman ang hinihingi mo di ba? ang PC ko ay bukas ng more than 10 hours a day, walang aircon sa bahay. mahigit ng tatlong taon sa akin ito pero maayos pa rin. ang kelangang bigyan ng ganun kalamig ay ang mga servers nila, na sa aking paniniwala, ay wala sa area mo. (i have super xray vision — nakikita ko kayo mula sa kinaroroonan ko.)
matitiis mo naman siguro yung impierno diyan… wag lang soooobrang lamig.
Posted by eks at January 30, 2009, 12:17 pm[wosa] Sa totoo lang, hindi na kelangan pang magsumbong kung kanino man dahil napakaliit lang nito na bagay. Eh kung sila kaya dito sa area ko, ewan ko na lang.
[eks] Siguro ay manipestasyon lang ‘to ng matagal ko ng himutok sa mga bagay bagay dito. mga bagay na higit na nakakainis sa malamig na aircon dito. tama ka. konsiderasyon lang naman, sa maliit o malaking bagay.
Posted by mordsith at January 30, 2009, 12:27 pmtingin ko di yun sa aircon…sa environment na talaga. siguro kung katabi mo si____ do mo mapapansin lamig…. hmmmmm…:)
Posted by kg at January 30, 2009, 12:40 pm[kg] hmm.. hindi, e. yung aircon kasi na-magnify yung bwiset ko. hehe. buti na lang kamo at masaya ako sa mga ka-area ko. lalo na sa katabi ko.
malamig ba talaga sa opisina nio? buti sa amin hindi, ang init nga eh! ngkaka bungang araw na ako sa sobrang init ;p
yang bwisit na opisina nio eh talagang bwisit noh? kbwisit tlaga kpag nilalamig ka sobra sa lugar mo, hindi ka mkakapag trabaho ng maayos. bwisit!! teka, bkit pati ako nabwibwisit? di nman ako apektado di ba?
:)
Sa area ko din malamig. Itong lumang jacket na makapal lang tuloy ang pwede kong gamitin. Yung ibang “mamahaling” jacket ko walang silbi. Minsan tuloy parang gusto kong bumuli ng isa pang jacket na makapal, kaso wala akong pera. Mag-aalaga muna ako ng penguin at polar bear dito at ibebenta ko. May gusto bang bumuli dyan? Mura lang! Por gibs!
Posted by Rico at January 30, 2009, 3:09 pmyan ang mga post. apeer!!!
Posted by luci at January 30, 2009, 4:55 pmgrabe ganun ka na pala ka-affected sa aircon natin…papabasa ko to ke ma’am girl!
Posted by mimmy at January 30, 2009, 6:16 pmhahaha super ang tindi ng sama ng loob mo sa aircon hehehe sana nga hinaan na nila kaysa mgkasakit kau
hala papabasa ni mimmy kay ma’am girl! hindi naman malamig sa area natin ha… aysus ang init nga e! sira yata ung aircon ayaw lumamig!
mordsith, alam ko kung pano buksan yung control ng aircon. paturo ka kay edel. thing is, minsan hininaan ko yung dun sa may area ko, namatay ang aircon ng buong 2nd floor prodution area
hindi naman siguro mag`ooverheat ang pc ng ganun. kahit na dito sa bahay, mahigit 48hrs gising ang pc, at walang aircon2, to think na napaka`init sa GenSan, ok parin naman. alive and kicking pa si pc. hehe.
baka malamig ang iyong pakiramdam kasi malapit ka lang po sa aircon. well, sana ma`solve ang iyong problem. huwag masyadong mamroblema about jan, ang wrinkles. hehe.
)
ganun katindi lamig sa ofc nyo, grabe…kung gusto ng kumpanya na ganyan kalamig dapat bigyan kayo ng clothing allowance parapambili ng makapal na jacket…hehehe
masarap ang malamig na working area pero naman kung ganyan na kalamig msakit sa ulo yan….
Hmmm pahinga ka muna weekend na!
Posted by jeanny at January 31, 2009, 10:03 amnaiwan ko jacket ko kahapon. muntik na ko mag-undertime
Haha, this post made me laugh! Ang saya. As in? Ganun kalamig? Hay naku! Sa aming office, malamig din, isang bagong aircon na wall-mounted, apat lang kami sa kuwarto, eh ako lang ang pumipirme sa room, hay naku, good thing pwede kong maniobrahin ang RC, walang problema, magreklam,o ka na, pulomonya aabutin mo dyan, impyerno nga naman, malamig nga lang!
Posted by sheng at February 1, 2009, 6:17 amNaku Mordsith baka kailangan mo nang gumamit ng Bonnet at gloves para lang ma-realize nung taong kumucontrol ng AC nyo dyan kung gaano kalamig sa lugar mo. Kainis talaga ang mga taong walang konsiderasyon. Buset!!! Sensya na at mukhang apektado rin ako hihi…
Posted by jetty at February 1, 2009, 8:19 amHaha, ramdam na ramdam ko yung inis mo. I hope you feel better now. =)
Posted by witsandnuts at February 1, 2009, 12:57 pmCool ka lng mordsith! Ay, i mean.. Hwag kang Hot, ay.. nu ba yan! hehe..
welcome to the new cold hell!
Posted by purpleworm at February 2, 2009, 12:03 amwelcome to my world! bwahahahaha!
pwde mo ipapatay yan. kulitin mo lang. me local no. sila. tanong mo sa guard sa me lobby. nung dyan ako nakapwesto, araw-araw ko pinapa-off. and then nagulat ako one day na di na sya naka-on. sila din nagsawa kaka-off every f#@%ing day.
malas mo, sa frozen meat section ka nalipat.
Posted by demon sawa at February 2, 2009, 11:38 ammaraming salamat sa lahat nagkumento, natawa, nagbiro, at nakisimpatiya sa inis na nararamadaman ko. hayyy…
isipin niyo na lang, maliit na bagay lang etong aircon na ‘to, hindi mo man maramdaman ang concern ng kumpanya. alam niyo na ang ibig kong sabihin.
natry ko na din ang gloves at bonnet o kahit anong pantakip sa ulo, wala lang. walang epekto.
salamat sa “pakikiramay” at nawa’y maka-empleyado ang kumpanya niyo.
sa dating kong trabaho naman, cost-cutting. pinapatay ang aircon tuwing 4pm. buong araw kang pagod sa dami ng trabaho, pag-sarado ng bangko ng alas-tres, saka pa lang magsisimula ang totoong trabaho ko, tapos ang init na, pawisin pa ko, sakit ng ulo talaga araw-araw. ilang beses na akong nag reklamo, sobra, nag-dabog pa ako minsan sa sobrang init pero walang epek. grabe. impyerno din, ang init eh!
araw-araw ka na lang naka scarf and bonnet and sweater. sa amin dati, di pwedeng mag-sando eh.
hehehe kakatuwa to gerl ha
i’m glad you have a “rant post” too. i thought i was the only one who made my blog a ranting site. hehehe. welcome to the ranting club!
call center ka ba nagwo-work?
dito kasi samim sobrang lamig din
pag narequest ang mag empleyado na pahinaan
sasabihin ng management
“para sa PC yun di para sa inyo”
hahahaha
wala silang care kung magkasakit kami
basta para sa PC lng yun
:)
Posted by sterndal at February 16, 2009, 1:18 pmhindi po call center, pero narinig ko nga na sobrang lamig din sa mga call centers. sana hindi ka magkasakit.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.






OO nga, sana mabasa to ng mga kinauukulan sa opisina mo Mordsith, napakawalang konsiderasyon naman ng mga taong yan. Bakit, napakabago, up-to-date ba at modern ng mga computers niyo para ganun na lang nila ingatan? Para kailangan i-disregard yung kalusugan ng mga empleyado? Isumbong yan sa Imbestigador!
Posted by wosa at January 30, 2009, 12:04 pm