Ang Bayan Ko… handa, awit
November 21, 2008
Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan…
Ito ang ating pambansang awit. Malimit na tawagin Bayang Magiliw ng ating mga kababayan, ngunit ito ay pinangalanan Lupang Hinirang.
Una ko itong nakabisado nung mag-aral ako ng elementarya. Kinakanta namin ito ng aking mga kakalase tuwing Lunes ng umaga. May kahigpitan ang aming paaralan, kaya kinakailangan tumayo ng tuwid at ilagay ng maayos ang kamay sa dibdib habang ito ay inaawit, gaya ng kinakailangan na itaas ng 90 degrees ang kanang kamay sa Panatang Makabayan (na mas mahirap kabisaduhin). Noon, feel na feel ko ang pag-awit nito.
Nung high school, napagsawaan ko ang pagkanta ng Lupang Hinirang. Akalain mo ba naman na ipakanta sa amin araw-araw. Ganoon ata talaga sa mga public high school. Kaya naman lahat ay gagawin ko ma-late lang sa paaralan at wag lang abutan ang napakahabang flag ceremony. Kahit pa pangaralan ako ng mahaba ng mga guro o patakbuhin sa quadrangle ng ilang ikot. Pakiramdam ko sayang lang ang oras ko sa flag ceremony, kaya itinutulog ko na lang ng mahaba.
Ito rin ang panahon na nakarinig na ako ng national anthem ng ibang bansa. Ang pinakatumatak sa akin ay ang Star-Spangled Banner ng Amerika. Hanep yung kanta na yun. Nakakapangilabot. Babae man o lalaki ang umawit, ang gandang pakinggan, at para bang kung taga doon ka, proud na proud ka sa pagiging Kano mo. Yung mga pelikula sa Hollywood na napanood ko na kinanta ito, maging yung mga laban sa boksing, grabe napapatahimik ako. Teka, teka. Di ko mahal ang Amerika. Ang ganda lang talaga ng kanta nila. Ang ganda ng rhythm at tono. Kuhang kuha ang pagmamahal sa bansa. Yung panghuling linya, pamatay: O’er the land of the free and the home of the brave!
Kaya naman ilang beses na namin pinag-uusapan ng mga kaibigan ko na sana palitan ang pambansang awit ng Pilipinas. Yung huling pag-uusap namin ni pedro, eks, at ako sa Glorietta tungkol dito ay sobrang nakakaaliw. Ang dami namin napag-usapan tungkol dito. Kaya pala hindi masyadong kagandahan ang musika nito ay dahil ito ay isang march song (ayun, pang martsa pala). Nalaman ko rin na hindi naman sabay ginawa ang musika at ang mga salita nito (ahh, kaya pala). Higit sa lahat, nagkaisa kami sa kung ano ang nais namin na maging pambansang awit ng Pilipinas.
Paalala sa mga nagbabasa: Hindi kami mga subersibo o walang pagmamahal sa bayan. Bagkus ito ay kabaligtaran. Mahal namin ang Pilipinas. Kaya nga gusto namin ng awit na mas kuha ang pagmamahal namin sa bayan. Kung alam niyo lang, ang dami na namin diskusyon kung ano ang magandang gawin sa ating bayan makaahon lang sa hirap. Ang pinakamalupit na plano namin, at ito ay biro lamang, ay ang paggawa ng katulad ng Aryan race ni Hitler. Sana maliwanag, hindi kami mga taksil sa bayan. :-)
At ang kanta na amin napagkaisahan ipalit sa Lupang Hinirang ay Bayan Ko. Ang bayan kong Pilipinas, lupain ng ginto’t bulaklak… Ayan, napapakanta na ko. Mas madamdamin ang kanta na ito, at sa totoo lang, mas maganda ang mga letra. Nag-imagine kami ng mga okasyon na pwedeng kantahin ito, at ang naisip ko ay ang pag-awit nito kapag may nanalong atletang Pinoy sa Olympics (sana ginto na). At siyempre, ang gusto kong kumanta nito ay walang iba kundi si Lea Salonga. Grabe. Ang sarap sigurong pakinggan nun. Makuwento ko lang sa inyo, Bayan Ko ang unang kantang natutunan kong kantahin noon ako ay 2 taong gulang. Sinorpresa nga ako ng mga magulang ko nung debut ko ng isang cassette tape recording na kinakanta ko ito ng pabulol bulol. Cute pa siguro ko noon. haha. At ang linyang kinakanta ko dun, hanggang ngayon paborito ko pa rin, Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo ay umiiyak…. Noon 18 ako tsaka ko lang nalaman na alam ko na pala ito noon bata ako. Tingnan mo nga naman, consistent ako sa gusto ko. haha.
Oo na, may history ang Lupang Hinirang kaya hindi pwedeng palitan. Suhestiyon lang naman, demokrasya pa rin naman tayo, di ba? (isang gasgas na linya). Pinakanta nga sa amin ito sa espanol sa Span 20 na klase ko. Okey naman siya, parang mas maganda nga kaysa sa Filipino version. Ito naman kasi ang orihinal. Pero sa amin ng mga kaibigan ko, walang tatalo sa ang Bayan Ko. Napag-aalab nito ang amin mga damdamin Pilipino. Maganda ang huling parte ng Lupang Hinirang, gusto ko. Pwedeng tatak ng mga T-shirt sa harapan. Pero hindi naman nagpapahuli ang kantang napili namin. Parang naririnig ko na si Lea Salonga na inaawit ang huling linya; mataas na ang kanyang tono, mabagal at malinaw ang pagbigkas ng mga salita, at mahaba ang huling salita.
Aking adhika…
Tahimik ang paligid. Ni munting galaw ay hindi mahagilap. Sa pagkakataon ito, mayroon ng pangingilabot ng mga balahibo. Ang katahimikan sa labas ay kabaligtaran ng ingay ng kalooban.
…makita kang sakdal
Nagpupumiglas na ilabas ang damdamin. Ngunit hindi pa, hindi pa. Bibigyan pa ni Lea ng hustiya ang kanta. At sa kanyang makapangyarihan boses, buong pusong sasambitin…
LAYA!
Naiiyak na yata ako ng konti. Sa totoo lang, gustong gusto ko ng makaahon sa hirap ang ating bayan. Ilan beses na siyang pinahirapan ng mga dayuhan, pati Pinoy mismo, ilang beses na rin siyang napabayaan. Buwiset naman kasi ang mga tao sa gobyerno, hindi ata alam ang konsepto ng nasyonalismo. Siguro dapat pakantahahin ko sila ng
Bayan Ko. Baka sakaling tumino-tino. haha.
Previous Comments
Maganda nga ang Ang Bayan Ko. Parang pati ako maluluha. Nakaka-tats!
Posted by Rico at November 22, 2008, 12:33 pmkinanta namin yan nung linggo ng wika nung grade school
Posted by emben at November 23, 2008, 12:09 amMy 3 year old daughter knows this by heart na, hehehe, I just want to push in some patriotic effect for the kid, at least she’ll grow to love the Bayang Magiliw…
Posted by sheng at November 24, 2008, 10:55 amhahahaha! OMG i was just singing this in the shower the other day!
Posted by maidapaypay at November 24, 2008, 11:46 amwe seldom sing it here na sa work though we are in a government agency hehhehe but sure thing when in movie houses last full show, we proudly sing it loudly.
mahal kong Pilipinas
Posted by louraine at November 24, 2008, 1:18 pmMeron isang magandang version ng pambansang awit pero medyo subversive, kaya di siya kinakanta openly. Ang linya na “ang mamatay ng dahil sa yo” ay pinalitan ng “ang pumatay ng dahil sa yo.” Para sa akin mas malakas ang dating ng pangalawa kasi mas active, and it requires an act that not everybody can do.
Re Bayan Ko, I know of one local radio station (nung bata ako) that plays it before signing off instead of Lupang Hinirang. Di lang ako sigurado kung on air pa ciya hanggang ngayon.
[eks] kumpleto nga ang visualization natin nung scenario na to. asteg. hehe
[rico] lalo na kung nandun ka sa pagpupulong namin, mas matatats ka! :p
[emben] patok na patok talaga to sa linggo ng wika. interpretative ba yung ginawa niyo? ganun ginawa namin, e.
[sheng] i think songs are an effective way of inculcating values to the children. i hope she grows up to be proud of her heritage!
[mai] see? it's really a nice song. hehe. you can even sing it the shower!
[louraine] i thought government agencies have their flag ceremonies every Monday? well, at least you still hear the national anthem in cinemas! hehe
[wos] yeah, i have heard of that song and its different lyrics, but, you are right, that song is not really for everybody.
uy, grabe na to! seryoso ka ba?
kidding aside, what brought this on? this used to irk me too (esp. when you see people who continue talking or pretend like they don’t even hear it), but eventually i got tired of expecting things to change…
Posted by onyxx at November 24, 2008, 8:51 pmhi! napaka makabayan mo pala!
idol!!!
pero paborito ko kasi yung Ang Bayan Ko…
maganda kaya yun!
napakalalim at maganda ang himig!
keep me posted
cheers!
Posted by sterndal at November 25, 2008, 12:09 amGanda nga naman ng ang bayan ko….lalo na nga dun sa line na binigyan diin mo dito.
Isang magandang araw sa iyo
Ok sana yung ang bayan ko…mas ma fefeel mo. Medyo mahaba nga lang ata yun.
Naalala ko tuwing flag ceremony namin nung high school….laging may kasamang exercise! Whoa!
[onyxx] may pagka-seryoso ng konti. hehe. gusto ko talaga ang kanta na ito. nararamdaman ko ang pagiging Pilipino. naisip ko na baka sakali, kung kinakanta lang ito ng mga tao, maramdaman din nila ang pagmamahal sa ating bayan (drama!).
[sterndal] maganda talaga ang kanta na ito. napaka-madamdamin.
[jeanny] ang ganda ng huling linya, no? tamang tama na finale ng kanta!
[kg] oo nga, laging may exercise. hindi naman naging fit ang mga estudyante, lalo na mga guro. hehe
Posted by mordsith at November 25, 2008, 11:21 amNaiintindihan ko ang iyong paghanga, kung hindi man pagkamangha, sa awiting Bayan Ko. Unang-una, ito as mas malayang pakinggan dahil ito ay unang isiunalat bilang isang tula ni Jose Corazon de Jesus bago tuluyang isinalin sa musika ni Constancio de Guzman. Kung kaya sa teknikal na aspeto, masasabing ang pagkonsepto ng Bayan Ko bilang isang awit ay hindi nakakahon, di tulad ng Lupang Hinirang na sadyang isinulat (at sabay nalapatan ng musika) sa kumpas ng martsa. Ikalawa, kung hindi ako nagkakamali, maaaring lubos na nahulma sa iyong kamalayan ang awiting Bayan Ko sa kadahilanang ito ang kantang ginamit (at patuloy na ginagamit) sa mga malawakang kilos-protesta ng mapanuring mamamayang pilipino, lalung-lalo na noong kapanahunan ng pagkamatay ni Ninoy Aquino, na nagsilbing mitsa ng EDSA Revolution, kung saan muling ginamit ang nasabing awitin. Ikatlo, isa kang iskolar ng bayan (hanggang ngayon ay lumalaban) na maagang namulat sa mga suliraning panlipunan, kung kaya’t ang mistulang subersibong mensahe ng Bayan Ko ay malapit sa iyong puso, nag-aalimpuyo, pinag-aapoy ang makabayang damdamin. Ito’y pananaw ko lamang. Magandang araw sa ito.
Posted by abelski at November 25, 2008, 12:23 pmNakakatuwa na tama ang lahat ng iyong punto. Siguro nga ay malaking impluwensiya talaga ang pagiging iskolar ng bayan, ngunit bata pa man ako ay naiisip ko na ang mga ganiton bagay, na pinagtibay ng kamalayan mula sa ating paaralan.
At sa tuwinang kinakanta ko ito sa aking isipan, hindi maaaring mawala ang imahe ng tunay na rebolusyon ng EDSA, bagamat ako ay 5 taon gulang pa lamang noon ito ay naganap. Nakakapanghinayang lang na tila nawalan na ng kahulugan ang diwa ng EDSA. Kailangan pa ba ang isa pang diktaturya o ang pagkamatay ng isang Ninoy para maramdaman ang tunay na nasyonalismo at patriyotismo?
Posted by mordsith at November 25, 2008, 12:47 pmabelski, showoff! joke, joke!!
labis kong ikinatuwa (at marahil ng marami pang iba na walang sawang nagbabasa ng, errr, blog na ito) ang napakagandang kaalaman na iyong ibinahagi sa amin sa pamamagitan nitong inilathala mong pananaw. mabuhay ka, ka abel!
mordsith, patuloy kang sumulat… hindi ko ikagugulat na makita ang pangalan mo sa listahan ng mga palanca awardees sa mga darating na araw. saludo ako sa iyo.
Posted by eks at November 25, 2008, 1:06 pmhehehe! me punto ka dito, minsan nkkboring nga kantahin pero kapg niramdam mo nmn okay n rin,lol!!! kelan ko b huling nkanta tong Lupang Hinirang??? sa sinehan pala,lol LFS!
Posted by sunny at November 25, 2008, 3:27 pm[eks] maraming salamat sa iyong tiwala. dahil ba ito sa award nd ibinigay ko sayo? hehe. medyo nag-iba na rin ang pagtingin ko sa palanca awards nung may nakilala kang awardee nito.
[sunny] bihira na nga ang pagkakataon na kumakanta tayo ng mga ganitong awitin, pero, tama ka, damdamin natin ang mensahe.
Hi there, pwede ko bang magamit ito for my article in a magazine, credit goes to you of course. Thanks! Let me know if payag ka, sdumalay@yahoo.com.
Thanks, konti lang din naman scope namin, pero for free lang ha. God bless.
Posted by sheng at December 2, 2008, 4:25 pmit’s ok with me, sheng.
oh, here it is!
Feel na feel ko ring kantahin ang Lupang Hinirang at Bayan Ko. (Isama mo na rin yung UP Naming Mahal.. mga awit na nagpapahiwatig ng pagmamahal sa ating bayan) Kung pag-iisipan mo’ng maigi ang gustong ipahiwatig ng titik ng mga awiting yan, kaugnay nang nangyayari sa ating bansa sa ngayon, maluluha ka talaga, di ba? Nakakahiya mang aminin, ako nga, naiiyak kung minsan.
Posted by Angeli at April 17, 2009, 2:08 pmim a 1st year high school
mahirap lang kami….
nag aaral ako sa pandan
1-SPA ako din…
in the second day of ny class may teacher
said to me that i have to learn lupang hinirang because malapit na ung independens day at kailangan ako ang mag kumpas so i learn that khit mahirap and i love now sing our
national anthem……….
…parang knanta mo to at may prob.ka pra sa isip mo ay nawawala na ung mga prob.mo sa buhay at nakaiyak pkingan ang kantang e2 nkakatouch…..
Posted by cynthia at June 29, 2009, 1:46 pmhindi na to nakakatawa ha kailangan ko ng pitong awiting bayan
Posted by pakialam at February 9, 2010, 9:44 pm






naalala ko nung kinakanta natin sa foodcourt to, parang nangingilabot ako dahil sa kagandahan niya. kung ang amerika ang ‘land of milk and honey,’ ayun sa Ang Bayan Ko, ang pilipinas daw ang ‘lupain ng ginto’t bulaklak!’ saan ka pa di ba?!
Posted by eks at November 22, 2008, 1:06 am